Tuesday, October 30, 2012

Nung Minahal Kita


LARAWAN GALING SA GOOGLE

nung minahal kita marami akong tanong--pano kung masaktan lang ako ulit
--pano kung maglolokohan lang pala tayo?
--pano kung di pa pala ako handa?
--pano kung malaman ng mga magulang ko na ganyan ka?
--pano kung kagaya ng dati magsawa lang agad ako?
--pano kung mahalin kita tapos wala lang palang mangyayari?
--pano kung malaman mong babae ka talaga tas iwan mo lang ako gaya ng ginawa ng iba?
--pano kung magsawa ka?
--pano kung di ka kayang tanggapin ng mga kaibigan ko?
--pano kapag nagkita tayo?
--pano kita hahalikan baka kasi mailang ako?
--pano kung di ko kayanin ang layo?
--pano kung?

pero alam mo nung minahal kita--napatunayan ko ang kahulugan ng mas maraming tao sa unconditional love
--nalaman ko na kahit ano pa, sino pa, at taga-saan pa ang mahal mo, mamahalin mo pa rin sya
--naging masaya ako
--nagkaroon ng direksyon ang matagal ko nang patapong buhay
--nagkaroon ako ng dahilang gumising sa bawat kong umaga
--natutunan ko salitang MAHAL KITA
--lalo kong pinahalagahan ang bawat araw na kasama kita
--nagkaroon ako ng ngiti sa bawat puyat, sa wala sa oras na tawag 
--nakayanan kong magtiis para sayo
--umiyak ng hindi bilang ang luha kundi umiyak ng maramin
--natuto akong magpahalaga
--magbilang ng araw na kasama ka
--masarap ng gumising sa umaga para lang basahin ang mga mensahe mo na nagpapangiti sa akin at sa aking kahoy na puso.
at higit sa lahat
--MINAHAL TALAGA KITA! ♥

alam kong hindi habang buhay ang relasyong meron tayo... at ang ginagawa ko inaalala ko at ginagawang mahalaga ang bawat araw na kasama kita, dahil alam kong isang araw aalis ka, iiwan mo ako at alam kong hindi ako iiyak sa mga panahong yung. Hindi dahil hindi kita mahal kundi dahil higit sa luha marami kang naiturong bagay sa akin.

kung mauulit ko ang buhay na meron ako ngayon, pipiliin ko pa rin ang panahong nakilala at minahal kita, mali man sa paningin ng iba... ang alam ko mahal kita, walang pero, bakit at paano.

sya nga pala, sa kahit na anong problemang harapin natin kakayanin ko para sayo... mamahalin kita ng hindi naghahanap ng mga paano...mamahalin kita dahil minahal kita ng ganyan..with all your strengths, perfections and imperfections :*


mahal kita kahit magkasing haba ang buhok natin at pareho tayong nagpapalda :D

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails