kasama ko si roshi, sabi ko bili tayo ng regalo kay marlon at kay kenn. hanap kami. ule kami. huntahan kami tungkol sayo. tawa. kwento ule. mura. tawa ulit. nakakapagtaka lang na sa bawat tining ng tawa ay may rumaragasang lungkot. katotohanang isang araw o dalawa ay aalis ka. siguradong ang maiisip mo ay “arte neto”. sanay na ako. lagi namang maarte lang ako kahit hindi ko alam ang batayan ng salitang ito.
oo. malulungkot ako. kagaya ng lungkot na naramdaman ko nung umalis yung lumang puno ng patnugutan. oo lumulungkot ako sa pagitan ng pangako mong di ka naman aalis at ng nalalapit na limutan. hindi ko alam kung ako lang ang nagpapahirap sa isip ko sa pagalis na ito pero lumulungkot ako.
magkagayon man nagpapasalamat ako. sa isang kaibigang natagpuan ng isang ito sayo. salamat na sa kabila ng katahimikan mo ay hinayaan mong paingayin ko. salamat sa pakikinig sa paulit ulit na kwentong kahit hindi ka interasado ay nagpipilit kang makinig. salamat sa isang matalik na kaibigan. hindi man halata ay oo ang sagot ko. matalik kang kaibigan. dahil sa bawat problema ko ay sa iyo ako may natatagpuang tagapakinig. alam ko ring (na sana) wala kang inililihim sa akin.
habang isinusulat ko ang talang ito ay di o maiwasang mangiti. salamat sa magandang alaala. sa pakikipagpuyat sa bahay ng kaibigan maibsan lang ang problemang dulot ng mundo. salamat sa pagsama sa paglunok n g pait ng apple kahit hindi ka naman sanay dito.
aalis ka pero hindi ang alaalang hindi ko ipagpapalit sa kahit ano.
aalis ka pero sana’y hindi ka lalayo gaya ng pangako mo.
rerebisahin ko ang talang ito. pangako. may idadagdag pa ako. wag lang ngayon. malungkot pa ako. saka na. hidi ka pa naman aalis diba?