tapos na ang bagong taon...at naiwan nito ay ang balitang naputukan:ng paputok man o ng ligaw na bala. nakakapagod na balita, dahil hindi ka na pwedeng kumain habang nanonood ng balit sa ganitong panahon.
matagal nang uso ang paputok, at kasabay ng pagkausong ito ay ang katunayan na ang mga pilipino--paulit ulit mo mang saktan ay walang kadadalaan. kapag nakikita ko ang mga balita hindi ko alam kung ang paputok ba o ang disiplina ang may problema. siguro ang disiplina. ang disiplinang itinuro na sa atin simula pa noong tayo'y grade 2. ang disiplinang ipinapasuka natin sa mga politiko para yumaman ang pilipinas. disiplina lang siguro ang kailangan para yumaman ang pinas. yun lang. yun na nga eh yun lang di pa matutunan.
hindi ko alam kung matatawa ako o malulungkot sa nangyari sa bahay ng tiyo ko. ng tiyo kong lasing noong bisperas ng bagong taon. ipinagmamalaki niya sa amin ang fountain nya na nabili sa bocaue bulacan(tama ba ang spelling?) na nagkakahalaga ng tumataginting na P3000. Ipinangalandakan nya ito sa lahat ng dumaraan. at nang sisindihan na niya ang gintong fountain, hindi niya masindihan sa lakas ng hangin sa labas. at ang matanda na nasa ilalim ng impluwensya ni ginoong san miguel ay biniyabit ang fountain sa loob ng bahay nila at oo, tama ang isip mo. doon niya sinindihan. na kamuntik ng pagsimulan ng sunog ng bahay nila. buti na lang may apat na bahay ang layo ng bahay nila sa bahay namin. katwiran niya "ayaw sumindi sa labas e, kaya are sa loob ko sinindihan". di ko alam kung si san miguel ba ang problema, ang gintong fountain o ang utak nya. napakatalinong pangangatwiran para sa lasing.
nakakapanlumong kalhati ata ng populasyon ng napuputukan ay lasing at mga batang may mapagpaubayang magulang na may katwirang "pano lalaking matipuno si jr kung di mo hahayaan maputukan". at pagkatapos nawala ang kalahati ng mga daliri nya.
takot akong maglakad sa kalsada pagkatapos ng putukan hindi dahil baka may pumalyang paputok na dahil sa kamalasan ko ay pumutok nang dumaan ako, kundi natatakot ako na baka may makita akong nagkalat na daliri o di kaya naman ay mga braso o matang nakakalat sa kalsada.
gusto kong gumising ng minsang bagong taong walang naputukan, kailan kaya ito baka sa sunod na taon o baka gagawa ng lang ako ng lathalain para kahit man lang sa lathalain ko magkaroon ng perpektong bagong taon.
No comments:
Post a Comment