Friday, September 30, 2011

Naghihintay! May Hinihintay?

(galing kay starrhinight ang larawan)

Nag-GM (group message) ako sa mga kaklase ko.


"What I can only do for you...

...is to love you then wait." :D


Ilang sandali pa ay may nagreply na kaibigan


"ai .. :("


sinagot ko sya ng...


"..hehe..ayus lang ako..haha..ganun naman tlga ang pagmamahal"


nagreply ulit sya...


"peo ndi mu alm qng my iniintay k."


sinagot ko na lang sya ng...


"alam qng wala, lageng wala"


Di na muling nagreply ang kaibigan. Rumagasa ang pinakamasasakit na pakiramdam. Bakit nga ba kailangang maghintay ng isang tao? Lalo kung wala naman syang hinihintay at hindi nya sigurado kung mayroon syang iniintay.


Naisip kong isang bagay lang ang pwedeng magtulak sa isang taong maghintay--kahit masakit,kahit sa wala sa isang tao--PAGMAMAHAL.


Nakakatawang isipin pero oo.


Kaya ako, maghihintay ako hanggat kaya ko. Habang mahal ko pa sya. Kahit masakit kahit alam kong simula umpisa pa lang wala na akong hinihintay.


Ang paghihintay sa taong hindi ka mahal ay parang paggawa ng WALA...


Napapagod ka pero wala kang natatapos wala kang nagagawa...


Pero magpapatuloy kang gumawa ng wala dahil wala kang makitang resulta hanggang may magpaalala sayong wala ka ng magagawa...


Gagawa ako ng wala...


Hihintayin kita hanggang wala ng resultang makita...

Sa mga Bagong Kaibigan


Keep smilin', keep shinin'

Knowin' you can always count on me, for sure

That's what friends are for

For good times and bad times

I'll be on your side forever more

That's what friends are for

(sabi ni Dionne Warwick)


maraming bagay ang nangyayari sa buhay ng tao. kalimitan, at pangkaraniwan na ang masaktan at maging masaya.


ako bilang isang taong madaling tumanda at halos hindi dumaan sa pagkabata ay nagtangkang magtiwala sa mga bagong tao. labag man sa prinsipyo na "hindi na muna" ay tumuloy pa rin ako. walang pumigil sa aking ilapit ang sarili ko sa mga batang nakilala ko. oo, bata dahil apat o tatlong taon ang tanda ko sa kanila. sila ang BSED III-A (d).


may masama akong alaala sa pakikipagkaibigan. nakulong ako sa katotohanang lahat ng dumarating ay umaalis. pero mayroon sa mga taong ito na hindi ko maipaliwanag. nung makasama ko sila iisa lang ang nasa isip ko. handa na ako. handa na akong magtiwalang muli. ito na ang tamang pagkakataong maramdaman kong tao rin ako, na may kaya pa ring magtiwala sa akin.


panay pasasalamat ang naririnig ko sa kanila. ngunit maging ako mayroon sa aking nahubog kasama ang mga bagong kakilala na hindi ko pagsisihan kahit kailan.

nais kong kuhanin ang sandaling ito ng buHay ko upang makapagpasalamat. baka sa banda pa riyan ay maging huli na ang lahat. baka hindi na ako makapagsalamat!


kay ALYANA-- sa akong hindi kiLala ng iba. sa bawat saya at sa pangungumbinsing nariyan ka lamang para sa akin. hindi naman edad ang magdidikta ng pagiging malalim ng isang tao.mas bata ka nga sa akin pero piNakita mo sa aking marami pa akong pagkakataon para baguhin ang pagtingin ko sa buHay. salamat sa tawa, sa iyak, sa bagong kaibigan, sa mcdo at sa tiwala. mahal kita higit pa sa kaya kong ipakita.


kay TINE--sa pagtitiwalang iingatan ko ang iyong mga sekreto sa buhay. sa pagkakatiwala ng pinakamasasakit na alaala. sa overnight, sa iyak, sa tawa sa pagka-emo, sa paninindigan sa pagibig. hindi pa kita kilala alam ko pero darating tayo sa puntong mas makikilala kita. lahat ng tao may emotional side at lahat n g tao ay may angst. salamat sa comforter (kumot?) na nakita ko sa iyo. habambuhay akong magpapasalamat.


kay VINCE--sa aking piNakamamahal sa babae. mahal kita ng ganito kadami. salamat sa pagtitiwala ng mga luha mo sa akin. kung ako man ang nakafirst time sayo, salamat. salamat sa mga workshop kasama ka at sa pagiging nanay mo sa amin sa overnight, sa pagluluto, sa pagpapaganda ng buhok. mahal kita ano ka man. mahal ka namin. first year ka palang kilala na kita dahil sa hanger na hindi mo binalik... salamat. habambuhay kitang mamahalin


kay JENNY--sa hindi ko kilalang si Jenny. sa kinakatakutan kong si jenny. salamt sa pakikisama. sa saya. sa tawa. sa FS. salamat sa pagiyak mo sa workshop salamat sa pagtitiwalang maging kaibigan ako para sa iyo. salamat sa 3buwan pa lang na pagkakaibigan. kahit pinakilala lang ikaw, kiayo ni alyana sa akin--salamat dahil kapag kailangan ko kayo nariyan ka..kayo. habambuhay kitang magiging kaibigan magbago man ang mga apelyido natin o bumabaw man ang pagtulog mo. salamat sa overnight, salamat sa lahat.


kay RAYCEL at EUCARE-- salamat sa iyak sa tawa sa kaibigan sa pagpapatulad sa quiz. salamat sa tiwalang magiging mabuti akong kaibigan. salamat sa pagmamahal. salamat sa pagsasabi ng pinakamalalalim na kayo sa akin. salamat sa araw araw na pagpapaalala sa aking mahal ninyo ako. hindi ito matatapos dito. mahal ko kayo.


kay MHAI--hindi man tayo nagsimulang maganda alam kong alam mong mahal kita. kaya ko sinabi sayo lahat ng yun dahil gusto kong maging mabuti tayong tao higit sa nais natin sa sarili natin. mahal kita ng higit pa kaya mo ng intindihin. kaibigan ako, ate ako para sa iyo at nagpapasalamat ako dahil binigyan mo kami ng pagkakatong mahalin ka namin. hindi sa ayaw namin sayo sa nagyari lang. we, eventually have our own ways of growing up and im glad you did. habambuhay kitang kaibigan


kay AILEEN at RUBION at MACE at JERWIN—salamat sa kaibigang nakita ko sa inyo. hindi naging madali ang lahat para sa akin upang abutin ko kayo pero nagpapasalamat ako sa pagkakataong binigay ninyo sa akin upang makilala natin ang isat isa. salamat dahil tinaggap ninyo ako ng ganito. salamat sa panibagong pagkakaibigan. salamat sa lahat. tatanawin ko itong habambuhay na pagpapasalamat dahil nahubog ninyo akong AKO. salamat


kay JAZMIN, MEA at MARIEL —salamat. tayo yung magkakaibigang nagkakilala kilala sa maling panahon sa maling sitwasyon at maling pagkakataon pero heto tayong lahat ngayon magkakaibigang walang iwanan. gaya ng kasabihang hindi mo mapapalitan ang nakaraan pero kaya mong baguhin ang hinaharap—nabago natin ang lahat. salamat dahil pinagkatiwalaan niyo kaming maging kaibiGan kayo. salamat sa pinakamasasayang alaalang nabuo natin. salamat dahil natagpuan naming kayong handang makipagkaibagan sa amin. salamat sa tiwala. salamat sa pakikinig sa pinakanakakatawa, pinakamalulungkot at pinakadevastating kong istorya. salamat sa pakikipagpuyat sa pakikipagpagod sa praktis salamat sa lahat. hahaba ng pagkahaba haba ang pasasalamat na ito pero lagi kong uulitin ang salamat at mahal ko kayong tatlo higit sa kaya kong sabihin. mninsan lang akong magmahal ng tao at salamat dahil hinayaan nyo ako. salamat


kay MEL(QUI)—salamat sa tiwala. sa bagong kaibigan. sa iyak. sa overnight. salamat sa pagpapakitang may mga lalaki pa palang kagaya mo. kung nauna lang ako hahahha. salamat sa magagandang dance steps. sa pagpapanalo sa amin sa contemporary dance. salamat dahil lagi kang nariyan. salamat sa hindi mo pagmo-move on dahil nakilala pa kita—pa namin. salamat sa kwento at pagpapakita sa amin ng iyong soft side. habambuhay kong tatanawing utang na loob nag ikaw sa amin. hindi ito ang huli mas marami pang pagsasama ang pagsasamahan natin. hindi rin isa lang overnight. salamat MEL habambuhay kitang kaibigan! salamat


kay ARIEL—salamat sa lahat. yun lang. hehehe. salamat sa pagtitiwala na may kaya akong gawin na kaya kitang tulungan. salamat pagbibigay mo sa akin ng pagkakataong matulungan ka. mas marami akong ipagpapasalamat dahil nagtiwala na akong muli na may mga tao pa ring makakatanggap sa akin kahit na sa pinakanakakahiya at kahiyahiyang istoryang meron ako. salamat sa bagong taong pinakilala mo sa akin. salamat din kahit hindi ko siya kayang banggitin dito salamat ng marami. salamat salamat. habambuhay ako ng magpapasalamat sa ikaw na ipinakilala mo sa akin. huli ka. nahirapan akong magisip kong anong sasabihin sayo na hindi magtutunog chizi at para akong nanliligaw sayo. salamat. sa tiwala sa bagong ikaw sa bagong tao. SALAMAT!


sa bawat pagalis at pagdating ng isa dalawa? na tao sa buhay ko im taking time to thank them though I know thank you is not enough. hindi sapat na makapagpasalamat lang ako.

habang buhay kong dadalahin ang istoryang ginawa nating lahat! salamat sa inyo!

Friday, June 24, 2011

SALAMAT sa pagitan ng PAALAM at IWANAN

kasama ko si roshi, sabi ko bili tayo ng regalo kay marlon at kay kenn. hanap kami. ule kami. huntahan kami tungkol sayo. tawa. kwento ule. mura. tawa ulit. nakakapagtaka lang na sa bawat tining ng tawa ay may rumaragasang lungkot. katotohanang isang araw o dalawa ay aalis ka. siguradong ang maiisip mo ay “arte neto”. sanay na ako. lagi namang maarte lang ako kahit hindi ko alam ang batayan ng salitang ito.

oo. malulungkot ako. kagaya ng lungkot na naramdaman ko nung umalis yung lumang puno ng patnugutan. oo lumulungkot ako sa pagitan ng pangako mong di ka naman aalis at ng nalalapit na limutan. hindi ko alam kung ako lang ang nagpapahirap sa isip ko sa pagalis na ito pero lumulungkot ako.

magkagayon man nagpapasalamat ako. sa isang kaibigang natagpuan ng isang ito sayo. salamat na sa kabila ng katahimikan mo ay hinayaan mong paingayin ko. salamat sa pakikinig sa paulit ulit na kwentong kahit hindi ka interasado ay nagpipilit kang makinig. salamat sa isang matalik na kaibigan. hindi man halata ay oo ang sagot ko. matalik kang kaibigan. dahil sa bawat problema ko ay sa iyo ako may natatagpuang tagapakinig. alam ko ring (na sana) wala kang inililihim sa akin.

habang isinusulat ko ang talang ito ay di o maiwasang mangiti. salamat sa magandang alaala. sa pakikipagpuyat sa bahay ng kaibigan maibsan lang ang problemang dulot ng mundo. salamat sa pagsama sa paglunok n g pait ng apple kahit hindi ka naman sanay dito.

aalis ka pero hindi ang alaalang hindi ko ipagpapalit sa kahit ano.

aalis ka pero sana’y hindi ka lalayo gaya ng pangako mo.

rerebisahin ko ang talang ito. pangako. may idadagdag pa ako. wag lang ngayon. malungkot pa ako. saka na. hidi ka pa naman aalis diba?

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails