Showing posts with label friendship. Show all posts
Showing posts with label friendship. Show all posts

Friday, September 30, 2011

Sa mga Bagong Kaibigan


Keep smilin', keep shinin'

Knowin' you can always count on me, for sure

That's what friends are for

For good times and bad times

I'll be on your side forever more

That's what friends are for

(sabi ni Dionne Warwick)


maraming bagay ang nangyayari sa buhay ng tao. kalimitan, at pangkaraniwan na ang masaktan at maging masaya.


ako bilang isang taong madaling tumanda at halos hindi dumaan sa pagkabata ay nagtangkang magtiwala sa mga bagong tao. labag man sa prinsipyo na "hindi na muna" ay tumuloy pa rin ako. walang pumigil sa aking ilapit ang sarili ko sa mga batang nakilala ko. oo, bata dahil apat o tatlong taon ang tanda ko sa kanila. sila ang BSED III-A (d).


may masama akong alaala sa pakikipagkaibigan. nakulong ako sa katotohanang lahat ng dumarating ay umaalis. pero mayroon sa mga taong ito na hindi ko maipaliwanag. nung makasama ko sila iisa lang ang nasa isip ko. handa na ako. handa na akong magtiwalang muli. ito na ang tamang pagkakataong maramdaman kong tao rin ako, na may kaya pa ring magtiwala sa akin.


panay pasasalamat ang naririnig ko sa kanila. ngunit maging ako mayroon sa aking nahubog kasama ang mga bagong kakilala na hindi ko pagsisihan kahit kailan.

nais kong kuhanin ang sandaling ito ng buHay ko upang makapagpasalamat. baka sa banda pa riyan ay maging huli na ang lahat. baka hindi na ako makapagsalamat!


kay ALYANA-- sa akong hindi kiLala ng iba. sa bawat saya at sa pangungumbinsing nariyan ka lamang para sa akin. hindi naman edad ang magdidikta ng pagiging malalim ng isang tao.mas bata ka nga sa akin pero piNakita mo sa aking marami pa akong pagkakataon para baguhin ang pagtingin ko sa buHay. salamat sa tawa, sa iyak, sa bagong kaibigan, sa mcdo at sa tiwala. mahal kita higit pa sa kaya kong ipakita.


kay TINE--sa pagtitiwalang iingatan ko ang iyong mga sekreto sa buhay. sa pagkakatiwala ng pinakamasasakit na alaala. sa overnight, sa iyak, sa tawa sa pagka-emo, sa paninindigan sa pagibig. hindi pa kita kilala alam ko pero darating tayo sa puntong mas makikilala kita. lahat ng tao may emotional side at lahat n g tao ay may angst. salamat sa comforter (kumot?) na nakita ko sa iyo. habambuhay akong magpapasalamat.


kay VINCE--sa aking piNakamamahal sa babae. mahal kita ng ganito kadami. salamat sa pagtitiwala ng mga luha mo sa akin. kung ako man ang nakafirst time sayo, salamat. salamat sa mga workshop kasama ka at sa pagiging nanay mo sa amin sa overnight, sa pagluluto, sa pagpapaganda ng buhok. mahal kita ano ka man. mahal ka namin. first year ka palang kilala na kita dahil sa hanger na hindi mo binalik... salamat. habambuhay kitang mamahalin


kay JENNY--sa hindi ko kilalang si Jenny. sa kinakatakutan kong si jenny. salamt sa pakikisama. sa saya. sa tawa. sa FS. salamat sa pagiyak mo sa workshop salamat sa pagtitiwalang maging kaibigan ako para sa iyo. salamat sa 3buwan pa lang na pagkakaibigan. kahit pinakilala lang ikaw, kiayo ni alyana sa akin--salamat dahil kapag kailangan ko kayo nariyan ka..kayo. habambuhay kitang magiging kaibigan magbago man ang mga apelyido natin o bumabaw man ang pagtulog mo. salamat sa overnight, salamat sa lahat.


kay RAYCEL at EUCARE-- salamat sa iyak sa tawa sa kaibigan sa pagpapatulad sa quiz. salamat sa tiwalang magiging mabuti akong kaibigan. salamat sa pagmamahal. salamat sa pagsasabi ng pinakamalalalim na kayo sa akin. salamat sa araw araw na pagpapaalala sa aking mahal ninyo ako. hindi ito matatapos dito. mahal ko kayo.


kay MHAI--hindi man tayo nagsimulang maganda alam kong alam mong mahal kita. kaya ko sinabi sayo lahat ng yun dahil gusto kong maging mabuti tayong tao higit sa nais natin sa sarili natin. mahal kita ng higit pa kaya mo ng intindihin. kaibigan ako, ate ako para sa iyo at nagpapasalamat ako dahil binigyan mo kami ng pagkakatong mahalin ka namin. hindi sa ayaw namin sayo sa nagyari lang. we, eventually have our own ways of growing up and im glad you did. habambuhay kitang kaibigan


kay AILEEN at RUBION at MACE at JERWIN—salamat sa kaibigang nakita ko sa inyo. hindi naging madali ang lahat para sa akin upang abutin ko kayo pero nagpapasalamat ako sa pagkakataong binigay ninyo sa akin upang makilala natin ang isat isa. salamat dahil tinaggap ninyo ako ng ganito. salamat sa panibagong pagkakaibigan. salamat sa lahat. tatanawin ko itong habambuhay na pagpapasalamat dahil nahubog ninyo akong AKO. salamat


kay JAZMIN, MEA at MARIEL —salamat. tayo yung magkakaibigang nagkakilala kilala sa maling panahon sa maling sitwasyon at maling pagkakataon pero heto tayong lahat ngayon magkakaibigang walang iwanan. gaya ng kasabihang hindi mo mapapalitan ang nakaraan pero kaya mong baguhin ang hinaharap—nabago natin ang lahat. salamat dahil pinagkatiwalaan niyo kaming maging kaibiGan kayo. salamat sa pinakamasasayang alaalang nabuo natin. salamat dahil natagpuan naming kayong handang makipagkaibagan sa amin. salamat sa tiwala. salamat sa pakikinig sa pinakanakakatawa, pinakamalulungkot at pinakadevastating kong istorya. salamat sa pakikipagpuyat sa pakikipagpagod sa praktis salamat sa lahat. hahaba ng pagkahaba haba ang pasasalamat na ito pero lagi kong uulitin ang salamat at mahal ko kayong tatlo higit sa kaya kong sabihin. mninsan lang akong magmahal ng tao at salamat dahil hinayaan nyo ako. salamat


kay MEL(QUI)—salamat sa tiwala. sa bagong kaibigan. sa iyak. sa overnight. salamat sa pagpapakitang may mga lalaki pa palang kagaya mo. kung nauna lang ako hahahha. salamat sa magagandang dance steps. sa pagpapanalo sa amin sa contemporary dance. salamat dahil lagi kang nariyan. salamat sa hindi mo pagmo-move on dahil nakilala pa kita—pa namin. salamat sa kwento at pagpapakita sa amin ng iyong soft side. habambuhay kong tatanawing utang na loob nag ikaw sa amin. hindi ito ang huli mas marami pang pagsasama ang pagsasamahan natin. hindi rin isa lang overnight. salamat MEL habambuhay kitang kaibigan! salamat


kay ARIEL—salamat sa lahat. yun lang. hehehe. salamat sa pagtitiwala na may kaya akong gawin na kaya kitang tulungan. salamat pagbibigay mo sa akin ng pagkakataong matulungan ka. mas marami akong ipagpapasalamat dahil nagtiwala na akong muli na may mga tao pa ring makakatanggap sa akin kahit na sa pinakanakakahiya at kahiyahiyang istoryang meron ako. salamat sa bagong taong pinakilala mo sa akin. salamat din kahit hindi ko siya kayang banggitin dito salamat ng marami. salamat salamat. habambuhay ako ng magpapasalamat sa ikaw na ipinakilala mo sa akin. huli ka. nahirapan akong magisip kong anong sasabihin sayo na hindi magtutunog chizi at para akong nanliligaw sayo. salamat. sa tiwala sa bagong ikaw sa bagong tao. SALAMAT!


sa bawat pagalis at pagdating ng isa dalawa? na tao sa buhay ko im taking time to thank them though I know thank you is not enough. hindi sapat na makapagpasalamat lang ako.

habang buhay kong dadalahin ang istoryang ginawa nating lahat! salamat sa inyo!

Sunday, April 4, 2010

Panayam sa isang UMIIBIG


si AKO

ano gang cnsbi mo?

4:31pm girl pa-next

na alin?

4:32pm si AKO

ung hapiness and energy mo

4:32pm girl pa-next

happines and energy? haha

4:33pmsi AKO

ung hapiness mung sinasabi

bakit ka happy

4:33pm girl pa-next

ah wala nevermind kahit sa bahay tinatanong ako hindi ko din alam haha

4:34pmsi AKO

tae mu ka

hmp

4:35pmgirl pa-next

hahaha masaya. :D:D

4:36pmsi AKO

:-):-)

ako din

ahehehe

4:54pmgirl pa-next

naiiyak ako angge, naalala ko si (ex-BF)

4:54pmsi AKO

haist...alam ko...sya lang naman lagi

lagi...

ayos lang yan... iiyak mo lang yan ng iiyak

4:55pmgirl pa-next

Hindi ko nga talaga kaya, iba kasi sya eh. baka humagulgol ako dito sa harap ng pc. :'(:'(

4:55pmsi AKO

alam ko.... iba kasi sila,... dahil mahal natin

4:56pmgirl pa-next

oo. :'((

4:56pmsi AKO

haist...alam ko ang nararamdaman mo

4:57pmgirl pa-next

ganito ka na din sa May or June. :(:(

4:58pmsi AKO

siguro...pero madali lang...hindi dahil ko siya ganoong kamahal kundi dahil hindi ako marunong magsayang ng buhay ko

gaya ng sabi nya.... KUNG TAYO..TAYO TALAGA

MALAY MO SA SUNOD NA BUHAY TAYO NA



*sa ganito dumaloy ang usapan namin... maikli lang pero puno ng laman...sabi nga nagmamahal tayo dahil nature na ito ng mga tao... kaakibat na rin nito ang sakit at ang matagal na paglimot...


natatagalan tayo sa paglimot dahil nagmahal tayo ng sobra at nasaktan tayo...


sabi ng isang makata..


"TALO AKO AT GAYA NG TUNAY NA ADIK AKO AY BABALIK, ALAM KO KAHIT AYAW MA NG DIBDIB KO MATATAGALAN TO PWEDENG BUKAS O MAKALAWA PARA PUMUSTA, PUMUSTA SA LARONG HINDI KO RIN ALAM KUNG PAANO MAMUHUNAN NG PANALO"


sana paggising ko ayos na si GIRL pa-NEXT!!!

Friday, April 2, 2010

para sa isang kaibigan... hindi ka mawawala dito! sa puso ko


apat na taon sa kolehiyo. apat na taon ng pag-aaral. apat na taong pagpuno sa utak ng sandatang kailangan sa habang buhay na labanan. sa pagtatapos ng apat na taon, hindi ba’t mas masarap alalahanin ang bawat bitaw ng joke na tinawanan, ang pag-abot sa tagay ng katabing halang, ang bawat away na pinagtulungan, ang iyak ng kabarkadang iniwanan? apat na taon ang dumaan, at ngayon panahon na ng singilan…apat na taong itatapon sa kawalan, apat na taong mababalewala, apat na taong pinaghirapan. at isa ka sa apat na daang taong pinagkatiwalaan ng apat na taong buhay ko sa koleheiyan. :’c

*inayos ko lang ang ispeling…pero ito ang eksaktong mensahe niya sa akin… mamimiss ko ang taong ito…kahit pa beso beso lang ang naging dahilan ng klowsness…pero higit pa sa akala niya ang dahilan ng pagkamiss ko sa kanya…


“A sad thing in life is that sometimes you meet someone who means a lot to you only to find out in the end that it was never bound to be and you just have to let go.”


MAMIMISS KITA GIRL!!!

TEXT ni GIRL robin sa akin…Kagabi_2-Apr-2010 09:45:12 pm


Friday, January 22, 2010

BF-ness


Wala akong dapat ipagpasalamat, siguro, dahil kung utang man ito, alam ko kahit hindi tayo magkwentahan ay bayad na ako kahit interes ay dagdagan.

Isang taon at dalawang araw din nating napagt’yagaan ang ugaling ‘di maintindihan. Isang taon, mukhang maikli pero para sa akin mahaba itong labanan. Labanan ng pagtitiis mo’t kabaliwan ko. Nang pagluha ko at kawalan mo ng pakialam. Nang kakitiran ng utak natin, ng babaw ng tawa at lalim ng pangarap.

Nagpaalam ka at wala ng babalikan. Ako’y namaalam pero hindi sa’yo kundi sa pagkakaibigan. Hindi ako nagsisisi pero nanghihinayang. Saan? Sa pangakong ating binitiwan pero gaya ng huli mong mensahe, wala na itong bawian. Wala akong pinagsisisihan maliban sa mga pagkakataong kasama ko ang tagumpay pero wala akong kakampay. Pero binago mo ako sa paraang di kayang tanawin ng mata at arukin ng isip. Mali pala ang umpisa, magpapasalamat pala ako kahit huli na. Salamat sa taong iniwan mo sa akin para makasama, sa bagong ako na ginawa mo. ‘Yun lang siguro, para sa iba bayad na ako.

Hindi ko hinangad na ibalik ang pagkakaibigang tinapos mo. Para saan pa? Hindi na natin maaayos ang isang bagay na matagal nang wasak. Winasak ng kawalang tiwala, ng pagibig, ng oras, ng panahon, ng pagkakataon. Nang magsimula tayong humakbang patungo sa magkaibang landas, sinigurado nating wala na tayong naiwan. Pati nga yata alaala tinangay nang walang paalam.

Nagayon nga ay malayo na tayo--maliligaw na kung babalik, masusuka na kung patuloy na gigiit. Sabi nga ng isang makata “Ang umaalis ay hindi na nagpapaalam at ang nagpapaalam ay hindi na bumabalik”. Matapos mong mamaalam hiniling kong ‘wag ka nang babalik at akong namaalam upang hindi na makabalik.

Isang bagay na lang ang dapat kong gawin--ang pagaralang lumimot. Wala na ang ikaw, wala na ang forever. Paalam sa iyo taong pamilyar ang mukha pero di ko alam ang pangalan.

Tuesday, December 29, 2009

One Beat--One Tribe



sa mga taong narine sa may kanan happy new year mga chong! hindi nyo man makita ang blog na are ay hayae na! Kumbaga eh magpapaharinawa na lamang akong are man lang ay inyong matatan-awan! basta merry bagong taon na lamang! sasaya din tayo! sasaya din ako!

Ai> ang pag-ibig ay parang pagsakay ng bisikleta kailangang nasulong para hindi ka matumba! lets celebrate moving on!

janine>sa nakaraang taon ay nagpanggap tayong magbest friend! ipagpatuloy ang pagkanta ng "forever ng ambassador" na hindi mo naiisip si

marlon> if we can change the world, gagawin nating libre ang internet sa cellphone... mabuhay ang mga a dik sa gM

kenn>sana maging mahilig ka na sa picture...haha! peace mhen... mapapatunayan ding ang chaos theory ang the best

te lea> sumulong sa pagkamit ng kaligayahan, sumulat ng patungkol sa ating inspirasyon, manindigang si inspirasyon ay atin at magmulat na nakakarinig ang puso hindi lang basta nagmamahal

tart>lalaki ka pa! tatanda at mangungulubot tayo pero ang pagiwas sa bukas para lamang hawakan ang noon ay pagpapatanda sa kaluluwa

sir> mabuhay ang mga adik sa sining! makata! pede mo itong ipabura

ger>wag puro copy paste! ang buhay may sariling pambura pero hindi lahat kayang ibaon sa limot... sasaya tayo sasaya

mabuhay ang mga adik sa sining, ang mga ayaw mag-move-on, ang mga kulot, ang mga may inspirasyon, ang mga payat, ang mga maingay, si shin! ang tribo ang the beat!

Tuesday, October 27, 2009

Sa Aking Katinuan!


SINO AKO..??
ISANG HINDI PAMILYAR NA TAO..
KAHIT AKO... DI KO KILALA KUNG SINO AKO...
BASTA ANG ALAM KO MARAMING TAO ANG NAG AABOT NG KANILANG MGA KAMAY PARA SA AKIN NGUNIT HINDI LAHAT AY TOTOO...
I GAIN FAKE FRIENDS AND TRUE ENEMIES........
ANG DAMING NAGSASABI NA HINDI TAMA ANG GINAGAWA KO.........
KAYA MINSAN NATATAGPUAN KO NA LANG NA KAHIT ANG SARILI KO DI KO KAYANG PANIWALAAN... NA MINSAN NAGDUDUDA AKO SA SARILI KO KUNG TOTOO BA ANG SINASABI KO....
SA DAMI NG TAMA SA SINASABI NILA DI KO ALAM KUNG ALIN ANG MALI.. BASTA ANG ALAM KO AKO ANG MALI SILA ANG TAMA....

NABUBUHAY AKO HINDI DAHIL AKO SI ANGEH KUNDI DAHIL SINABI NILANG SI ANGEH AKO...
AKO YUNG TINATAWAG NILANG WALANG SARILING DISPOSISYON SA BUHAY...
ANG TINATAWAG NG MATATANDANG WALANG ALAM GAWING MABUTI...
ANG TINATAWAG NILANG DI MUKHANG GAGAWA NG MABUTI..

PERO ISANG BAGAY ANG MALINAW SA KIN...
LAHAT NG BAGAY AY MAY KATAPUSAN
AT KAYA NG BAWAT ISANG MAGSIMULA NG BAGO...

KAYA ITO NA ANG PANAHON KO...

HINDI MASAYANG MAGING ISANG TAUTAUHAN NGUNIT ITO NA ANG SIMULA...

KUNG ANG PAGIWAN SA NAKARAAN AY PAGLIMOT SA LAHAT! WALA AKONG BALAK UMALIS..

TATAYO AKO BILANG AKO!


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails