Naghahanap ako ng bagong pagkakaabalahan. Niluma na ako ng peysbuk at ng prendster. Naghahanap ako ng matinong blog. Blogger ako eh. Kung hindi ka naniniwala malamang parehas tayo. Di ko rin minsan kayang paniwalaan ang gayong titulo. Nakakahiya, nakakapanliit, nakakagago. Wala naman akong matinong sasabihin wala naman kasi akong kwentang tao. Ako yung tipo ng tao matatalisod mo sa kanto, nakikipagsiksikan sa pila ng lotto o nakikihagikhik sa kwentuhan sa kanto. Isa ako sa inyo. Baka. Siguro.
Pero ngayong matino ako marami akong gustong sabihin. Ganito talaga ako, maraming komento pagkatapos magpakalunod sa isang stik ng marlboro. Yung layts para di gaanong makarhat sa lalaugan. Ang gusto kong sabihin?ah oo. Tama. Di nga pala ito tungkol sa sigarilyo. Ang gusto kong sabihin, PILIPINO ako. Yun lang. Pero pagkatapos ko itong sabihin ang utak nyo na ang magdurugtong ng kahit papaano. Magaambag ng kaunti sa laman ng utak kong malabnak. Parang burak sa pasig. Parang ang sikip ng skwaters erya sa lahat ng parte ng mundo ko. Ng pilipinas.
Pero hindi lang dapat ganito ang sasabihin ko. Dapat marami pa. Pero sigurado, di ka makikinig o di ka interesado. Sabagay sino nga naman ako. Nakikipagsiksikan sa mundo at pati sa filipinowriter.com na ito. Kunware rayter ako at kunware matino na rin kagaya nyo.
Sya hanggang dito na muna. Sana sa susunod mong punta may mabasa ka na. Sana. Kung may mauutangan ako ng pambili ng marlboro. Ung layts para di makarhat sa lalaugan kong pagas.
No comments:
Post a Comment