Friday, March 19, 2010

huling paalam


malapit na nga. tapos na rin kung tutuusin. aalis ka na. maiiwan na kami. iiwan mo na ako.

alam ko ang tinatakbo ng isip ko ay "feeling ko naman". oo na, alam kong wala itong epekto sa'yo o kung kanino pero sa sarili ko ang kahulugan nito ay katapusan. katapusan ng isang bagay na hindi nasimulan. katapusan ng isang bagay na kahit kailan naman ay hindi mo napansin kahit kaunti man lang.

masakit magpaalam. una dahil ayaw ko nito. dahil ayaw kong umalis ka. pero anong magagawa ko. pagdating ng tamang panahon aalis ka rin. sabi mo nga "some things are inevitable" . tama ka. pero mahirap pa rin. hindi ko alam kong bakit ko ito isinusulat. nagiinarte? hindi rin siguro dahil wala naman akong pagiinartehan. hindi ikaw at hindi ang kung sino. hindi rina ko umaasang mababago ko ang desisyon mo. basta ang alam ko sinusulat ko ito dahil mamimiss ka ng isang to. ng sobra. ng hindi abot ng isip mong magagawa ko. totoo. hindi ko na uulitin. siguro.

salamat sa namana ko sa iyo na hindi mo ipinamana sa akin o sa kahit na kanino. salamat sa lahat ng naitulong mo para mas maging mabuti akong tao. salamat sa pagpapagal mong matuto kaming maging responsable sa parehong paraang kaya mo.

kahit ayaw kong paulit ulit na sabihin pero MAHALaga ka sa akin. at sa sa pag alis mo alam kong hindi aalis ang kaparte mong iiwan sa amin.

salamat sa lahat. salamat sa pagiging isang manunulat. salamat sa MAKATA na iyong ipinakilala sa lahat lalo sa akin. kagaya ng parating kong sasabihin at lagi kong inuulit... aalis ka pero hindi ang MAKATA KO sa puso't isip ko...


"MOVE ON, BUT DON'T MOVE AWAY!"







No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails