Monday, May 24, 2010

ngayong baynte na ako!

*larawan galing sa isang sinusubaybayan sa youtube_utubelyrics_*

Nagising ako. Kalagitnaan na ng gabi madaling araw na nga ata. May kabanasang taglay ang gabi kaya panay ang balikwas ko sa hinihigaan ko. Minarapat ko na lamang bumangon. Nagbukas ng kompyuter at humarap. Ayus parang sauna. Nakaharap ako sa monitor at tinatanggap ang mainit nitong hulab.

Naisip kong mag-imbentaryo ng buhay ko. Dalawampung taon na rin.

Sabi ng nanay ko “wala pa ring bait” sa mga kaibigan “easy-go-lucky” sa mga guro “tamad” sa mga ka-tribo “maingay”. Para sa sarili ko: Ako yung klase ng taong nakikipagbuno sa mundo para sa sarili kong pwesto.Pwesto para manatiling nakatayo at may pakinabang sa mundo.

Sa siste ng pag-ibig:

Wala. Olats. Una dahil nakaprograma na ata sa utak ko na agaw sa ma-freedom kong buhay ang pagbo-boypren. Tama. Agaw sa oras. Effort sa panahon. Aksaya sa energy. Hindi rin naman ako likas na “sweet” na tao. Kung mahal kita? Sa utak ko lang yun. Ni hindi ko nga natatandaang sinabihan ko ng “iloveyou” ang mga magulang ko. Sweet noh? Kahit sa mga past relationships ang isa ito sa mga pinagtatalunan namin. Oras. Ayaw ko ng pipilitin akong magtext kahit ayaw ko. May magtsi-check kung kumain na ko. Mamimilit makipag-date. At kung anu-ano pang kabaliwang naiisip ng magkarelasyon. Dahil opinion ko yun. At dahil ganoon akong tao.

Sa pagiging kapwa:

Likas akong mapakialam na tao na ayaw pakialam. Magaling akong magpayo ng mga bagay na di ko kayang gawin sa sarili ko. Sira ulo. Matandaan kong wala akong tinuring sa mga kaklase kong “kaibigan” maliban sa mga katribong kaklase ko. Ayaw ko kasi ng maligalig na tao na kagaya ng mga kaklase ko. Ayaw ko yung klase ng taong kalbo ka na nga tatanungin pa kung nagpagupit ka samantalang hanggang sakong ang buhok mo dati. Yung ganun. Madalas mangyari. Sa ibang tao ako yung “Ah si Ate A*%#@, yung maingay na babaeng cool”. Sabi lang nila yan. Kala nila totoo. Ang di nila alam naloko ko sila.

Sa tribo:

Maingay. Nakakairita. Maingay. Malakas tumawa. Ayus lang. Tanga. Mga ganyun. Ako “no comment” silalang ang mga tanging taong nakakakilala sa akin ng ganyan. Yung alam nila ang tunay. Hindi yung alam ng ibang taong ako na hindi naman. Sa kanila ko naramdaman ang tunay na pagiging tao. Yung ako. Yung pede akong sumuka kapag lasing. Magmura kahit nasa kalagitnaan ng saya. Maglupasay sa pag-iyak. Magkakanta ng sintunado. Sila ay mga totoong taong may kabaliwang taglay. Ayus. “Birds with the same feather makes a good feather duster” ika nga ng isang artista. At ako kasama sila ay magandang feather duster.

Sa loob ng dalawampung taon naging masaya naman. Sa loob ng dalampung taong may ilang pinanghinayangan, may ilang nais ibalik, nais mawala, ayusin, iwanan, tawanan, iyakan, tisurtisurin, at tuluyang limutin.

Kagaya ng kantang “Isang Linggong Pag-ibig” ganyan ang buhay para sa akin. “Kung gaano kabilis ang iyong pagdating ang pag-ailis mo’y sadyang kaybilis din”. Ang buhay? Nakakaloko yan eh, kaya tatawanan ko na lang. Para masaya.

Sa totoo lang di lang talaga ako antukin kaya ganito ako. At lahat ng nasa taas pauso ko lang yan pero di ko kayo niyabang. CHAR!

3 comments:

  1. @stupidient sa susunod mga picture na lang ang ilalagay ko...dun ka may comment...

    actually ako yan! hahahahahah joke!

    ReplyDelete
  2. ganda ng picture... parang painting :)

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails