Tuesday, October 30, 2012
Nung Minahal Kita
Monday, August 6, 2012
Sa Nagmamay-Ari ng Pusong Bato
From Google |
FOR YOU!
FOREVER and a DAY |
7/26/2012
Saturday, February 25, 2012
SA PAGITAN NG TAMA AT MALI, NG PWEDE AT HINDI
Minsan naiisip ko na hindi naman mali ang magmahal ng sobra. Yung sagad, yung tipong wala nang ibang mahalaga sa iyo kundi sya. Sa tingin ko fair naman yun. Kasi mahal mo ee. Parang hindi ko kayang magmahyal ng half-half. Sino ba namang kayang magmahal ng kalahati lang kapag adun ka na sa isang relasyon. Nasasabi mo lang naman ang mga ganung bagay kapag wala ka na sa relasyon. Kapag broken-hearted ka na. Kapag nakuha mo nang magsalita ng hindi nagmamahal. Kapag nagmamahal ka naman hindi mo naman kayang diktahan ang puso. Ang alam mo, nagmamahal ka lang.
Sino ba naming kayang magsabi sa iyo na ito ang mahalin mo, ganyan ang gawin mo kapag nagmamahalan kayo. Ganyan, ganito. Impossible. Wala.
Ang nagmamahal sa isip ay hindi totoong nagmamahal. Ang totoong umiibig hinahayaan ang puso nya. Ang totoong nagmamahal nagtitiwala sa puso nyang hindi sya ipapahamak nito. Ang pag-ibig ay pagmamahal—hindi pagiisip.
Ngayon tataasan mo ako ng kilay. Maraming ‘hindi kaya’ sa isip mo. Pero kaya mo bang maglecture ng pagibig. Kaya mo ba itong hindian o tanggihan? Hindi ka pa ba nagmamahal buong buhay mo?
Ang pagmamahal ay pagmamahal kahit sa an mo daanin ito. Minsan sa maling tao—pero pagmamahal yun. Minsan sa maling lugar—pero mpagmamahal yun. Minsan sa maling panahon at pagkakataon—pero pagmamahal yun.
Pero minsan madaya ang pag-ibig. Kaya ka nitong iturn down. Kaya kang dayain. Kaya kang paiyakin, saktan, at worst—patayin. Ang maganda lang naman dun ay ang experience, na nagmahal ka ng totoo, ng sobra, ng lahat sa iyo. Kaya tayo nasasaktan dahil totoo tayong nagmamahal.
Kaya ako nasasaktan dahil nagmahal ako.
Ng gawin ko ang talang ito nasa kalagitnaan ako ng tamang pagmamahal sa maling tao pero hindi ako nagsisisi sa nangyayari. Nasasaktan, oo. Pero hindi at wala akong dapat pagsisihan. Hindi man ako umaasa na mamahalin nya ako pabalik lagi akong nagpapasalamat dahil sa likod ng lahat ng sakit sa-kit na idinulot sa akin ng pagibig nagmamahal pa rin ako. Ginawa akong matapang ng pagmamahal. Pinalalakas niya ako. Sinususugang tumayo at magmahal muli. Wag matakot. Wag manghinayang. Patuloy na magmahal.
Kaya ako patuloy akong magmamahal ng tamang pagmamahal hanggang matagpuan ko ang tamang tao sa tamang lugar sa tamang panahon at pagkakataon.
In this verge of loving and hurting only you can understands yourself. No single soul can understand this foolishness. No one. L
Saturday, January 21, 2012
BAYNTE DOS
Hindi na muna ako mangangarap ng lalampas sa bukas. Hindi na muna siguro. Wala pa akong kapasidad na mag-isip ng hihigit sa kaya kong isipin. Hindi naman sa napanghihinaan ako ng loob pero malamang sa oo na napipigilan akong magisip at mangarap ng mga bagay na mukhang imposible pero alam kong kakayanin ko.
Masakit mang aminin ngunit ito’y isang pansamantalang pagsuko sa pakikibaka ko sa lugar ko rito sa mundo. Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong alam kong lilipas ito. Alam ko hindi pa—hindi pa agad.
Maraming akong pagkakataong makabawi sa kinalalagyan kong ito pero alam kong hinayaan ko ang sarili kong lunurin ng mga bagay na hindi ko kaya. Nilamon ako ng malalaking problemang pumapatong sa balikat ko upang hindi na muling makabangong muli.
Nakatatawang sa kabila ng mga nararanasan kong ito ay nakukuha ko pang magpayo sa ibang tao ng mga dapat at hindi nila dapat gawin. Parang nais kong maawa sa sarili ko, hindi, mali—ayoko sigurong umabot sa kabuktutan ng pagkaawa at pagpapaawa. Mas madali lang sigurong sabihin ang lahat kaysa sa gawin ito. Teorya ang lahat ng pagbangon sa pagkadapa, ng pagtawa sa kabila ng kalungkutan, ng pangangarap kahit wala ka ng mahawakan. Trial ang error. Pero laging lalamang ang error dahil narito pa rin ako.
Ang paulit ulit ng masungit na kalagayan ng walang ibang tatakbuhan at wala ring malalabasan.
Minsan iniisip ko ang katotohanang ako ang nagkulong sa sarili ko sa lugar na ito. Ikinandado sa labas upang wala ng malabasan. Sa kabila ng lahat ng ito wala akong inaasahang maglalabas sa akin dito—ako rin lamang.
Sa ganitong panahon ng kalituhan, ng pagkabaon sa pagiisip at pagbubuntong hininga marapat lamang na wala kang aasahan na magliligtas sa’yo. Pipi lahat ng taong hinainan mo ng payo noon. Bingi ang mga taong pinakinggan mo ang pagtangis nung naunang panahon. Walang kakayahan ang pinas-an mo noon upang dalhin sa mas maliwanag na kinalalagyan. Lahat sila wala kang dapat asahan.
Iisipin nilang madaling bagay lang ang iyong pinagdadaanan at alam nilang higit sa lahat ikaw ang maglalabas sa sarili mo sa kalungkutang pinasukan.
Pagod na nga siguro ako. Sapat na ang nauna at nasayang na pagtitiwala. Ubos na ang lahat ng kapasidad pa sa sunod na pakikipag-kaibigan. Said na ang lahat ng pakiramdam.
Ayoko na. Wala na munang lalampas sa talang ito. Tapos na. Gaya ng gulo ng utak ko at ng pinupunto ng sulat na ito hindi ko rin maisaayos ang buhay ko.
Masaya na ako. Salamat. KALIGAYAHAN. J