Friday, March 19, 2010

huling paalam


malapit na nga. tapos na rin kung tutuusin. aalis ka na. maiiwan na kami. iiwan mo na ako.

alam ko ang tinatakbo ng isip ko ay "feeling ko naman". oo na, alam kong wala itong epekto sa'yo o kung kanino pero sa sarili ko ang kahulugan nito ay katapusan. katapusan ng isang bagay na hindi nasimulan. katapusan ng isang bagay na kahit kailan naman ay hindi mo napansin kahit kaunti man lang.

masakit magpaalam. una dahil ayaw ko nito. dahil ayaw kong umalis ka. pero anong magagawa ko. pagdating ng tamang panahon aalis ka rin. sabi mo nga "some things are inevitable" . tama ka. pero mahirap pa rin. hindi ko alam kong bakit ko ito isinusulat. nagiinarte? hindi rin siguro dahil wala naman akong pagiinartehan. hindi ikaw at hindi ang kung sino. hindi rina ko umaasang mababago ko ang desisyon mo. basta ang alam ko sinusulat ko ito dahil mamimiss ka ng isang to. ng sobra. ng hindi abot ng isip mong magagawa ko. totoo. hindi ko na uulitin. siguro.

salamat sa namana ko sa iyo na hindi mo ipinamana sa akin o sa kahit na kanino. salamat sa lahat ng naitulong mo para mas maging mabuti akong tao. salamat sa pagpapagal mong matuto kaming maging responsable sa parehong paraang kaya mo.

kahit ayaw kong paulit ulit na sabihin pero MAHALaga ka sa akin. at sa sa pag alis mo alam kong hindi aalis ang kaparte mong iiwan sa amin.

salamat sa lahat. salamat sa pagiging isang manunulat. salamat sa MAKATA na iyong ipinakilala sa lahat lalo sa akin. kagaya ng parating kong sasabihin at lagi kong inuulit... aalis ka pero hindi ang MAKATA KO sa puso't isip ko...


"MOVE ON, BUT DON'T MOVE AWAY!"







Friday, March 5, 2010

isang pagbati mula sa isang kaibigan sa mundo: the vulnerable



isang makabuluhang hapon
ang nais sumalubong,
sa aking isipang tanging laman eh tanong
paano pa ba kaalaman ay yayabong
kung sa aking paligid baluktot ang isinusulong
anong bukas pa ang matatamo
sa pamahalaang tila mapaglaro
pangarap ng bawat isa'y unti-unting naglalaho
namumulat na lamang sa bulok na estado
pagtanggap ma'y labag sa kalooban
ngunit ano pa bang magagawa sa kasalukuyan?
magsuplong sa kinauukula'y walang kasaysayan
pagkat sila pa ang tunay na may dahilan

>magandang hapon pilipinas!

Thursday, March 4, 2010

sa ibabaw ng aspaltadong kalsada at may hawak na iwinawagayway na watawat na pula


kung ang pagiging aktibista ay pagiging kriminal...hayagan kong sinasabing KRIMINAL ako...

sa bawat pagpalahaw ng tahimik, sa bawat pagtaas ng kamay na ngawit, sa bawat pagtagaktak ng igang pawis sa putikang mukha at bisig--iisang layunin ang inihahabi ng isip: ang pagbabago patungong pagunlad, ang pagiwan sa bulok na sistemang hindi naggaganyak magbihis ng bagong bihis. ang sistemang naaagnas na sa pagkapanis. pagkapanis ng pangarap ng mga pilipinong napagod na ring mangarap. kung sa bawat pagpaltak ng hinaing ay ang pagbubukas unti unti ng pinto para sa bukas, halina kaibigan samahan mo akong managis ng tahimik. samahan mo akong ipakita sa harap ng kanilang mukha ang dapat sana'y kanilang ginawa... madami pang laban... hanggang bukas hanggang sa sunod na mga pagtahak. nagyon ito muna. hanggang sa susunod mong pagbabasa. isang araw makalawa!

Mapapag-iwanan ako kung wala akong masasabi tungkol sa nakita ko at naranasan: Karanasan kasama ng mga taong bagong kita!


kung ang bawat alaala'y permanente...magmumukha akong alaala...alaala lamang, bukod duon wala na.
hayaan mong isa-isahin ko ang mga nakasama ko sa lugar ng kamalayan pero hindi sa lansangan. sa dagat na hindi malinis pero pwedeng paliguan, kung saan pink ang bangka at hello kitty ang life vest.
heto na sila:

ang tribo> lumang mga nilalang galing sa baul ng puso ko. hindi sila mawawala, hindi mapapalitan. hindi kailanman

ang mga burgis> si sponge, apok, uneng ang taga lasalle at taga BSU... burgis, kasama kasi nila ay burgis at mga ilang sa mga makamasang kagaya ng mga kasama ko. hindi palaimik, hindi palatawa hindi kahit ano. burgis lang sila

ang mga taga SEC
khien> feeling ko close na kami nito, sana naman hindi feeling lang. mabait, lets tal about experience

aiko> ang batang nagtransform. magandang bata at masipag, maingay at masarap kasama. wala atang pag-ibig sa katawan pero mapagmahal naman

sarah> ang terorista. ipopost ko ito dahil alam kong hindi naman niya mababasa. mabait din di ko pa nga lang gamay ang ugali

mark>matagal ko nang kaibigan ang babaitang ito. masipag at responsable. wag lang ididikit kay elmo! ayos naman siya.

fejer>ang barney ng tropang kabataan. mabait wag na lang mapipikon. game naman. ang mukahang magaanak sa binyag nung unang araw. ninong!

ang mga taga-CS
aljin> ang obami ng tropa nung solidarity night. wag nyo nang hayaang idescribe ko. think of a girl obama, that's her

neri>melissa, nanay dionisia, anyone siya na... ang resident clown. kahit siguro ganito siya kasaya me lungkot pa ring kasama. sabi nga sa bawat sayang nakabakat sa mukha ay hindi maitatatwa ang lungkot na nararamdaman

bheng>si sarah nabati...maganda...ms.popular nung summit...andaming fans!

melodie> ang chinitang makamasa...2nd chance ata ang isinama nito eh

lucky jun>ang humihingi ng 2nd chance...mabait at mabait...yun lang. ay! cute din pala

tano>ahehehe mukhang hindi umiimik pero mabait naman pala! makata din to chong! kamukha siya ng nasnip ko

carlo>ang piolo namin! hindi naman niya kamukha si piolo...medyo lang...

habang buhay kong babalikan at isasama ang alaalang kasama sila! wag na nating isama ang ibang mahalaga...kagaya ni roge, juna, gani, derek, taga lemery, taga bridget, si ka antoy at ang iba...baka hindi ko matapos ang aking tala...sa ngayon ito muna...sana hindi lang ito alaala...sana maulit pa!

SA PAGITAN NG PAGLULUNOY SA NAAGNAS NG KAHAPON



gusto kong magsulat. pero wala akong maisip na magandang simula. ni magandang tugma na kakapulutan ko ng tatatak na wakas. mahirap pala. parati kang hahabol sa wala. parati kang magtatagni ng malapit ng mawala. minsan kung pipilitin ko ang utak kong maghabi kahit ng isang taludtod hindi naman makisama ang kamay kong nabubugnot. mahirap parating magbibigay ng mababasa sa magbabasa mong hindi mo mawari kung sino talaga. ang tanging hiling ng pagaw na boses ng katahimikan at kawalan sa utak kong walang ibunton:nawa'y bumalik ang nauubos nang alaala. alaalang nagpapamanhid sa kaluluwang walang kinabilangan. kaluluwang walang kilala. kilalang hindi ko kilala. parating uulit ang sulat na ito. mangungulit at ikaw na nagbabasa ngayon ay mababagot at hindi na muling babalik ni hindi na magpipilit umasa.
sana sa susunod mong punta may matino ka nang mabasa.


>ngayo'y kailangan ko ng legadera...dahil ako'y IGA!

Tuesday, February 9, 2010

L: DEATH NOTE


hindi ako mahangain sa artista at lalo na sa mga lalaking mahaba ang buhok na tila hindi pa nakakakita ng barbero. pero nang nakita ko si L ng Death note hindi ko napigilan ang sarili kong mangulekta ng larawan nya. mas malala na ang ipaprint ang mukha niya at ipabalat sa libro ko. kenichi matsuyama. ang eksaktong larawang nasa taas ang itsura ng libro ko na hindi pa bayad hanggang ngayon. tingnan nyo na lang at kayo ang humusga!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails