Friday, April 30, 2010

KAPAL NG MUKHA ANG KAILANGAN KO MAIPOST LANG TO!

Ito na naman ako. Nakaharap sa monitor, may nakaipit na lapis sa nguso at sigarilyo sa tenga. Gaya ng parati kong ginagawa kapag iniisip kita. Ang aking makatang walang maisulat na magandang tula, ang makatang humihiling na tumingin sa nakaraan at naroon ang kasaysayan ng kanyang pagmamahal, ang makatang gaya ng tunay na adik na paulit-ulit na babalik para pumusta sa pag-ibig ng kanyang mahal.

Tapos na nga. Gumradweyt ka na. Hindi na kita muli pang makikita sa upuan mo sa opisina. Wala na akong dahilan para gabihin para lamang makasabay ka. Oo nga pala, marami pa nga akong utang sa’yo. Ang Red Series sa BENCH, Starbucks at libro ng isang aktibista-makata. Whew! Hindi muna ako magbabayad para may pagkakataon pa akong makita ka. Nakakatawang isiping sobrang lungkot ang nararamdaman ko sa tuwing iniisip kita. Napaka-pointless. Period.

Masarap nang tapusin ang post na ito. Una mangangatal ka lang sa pagkadiri, mapapangiwi at masusuka. Pangalawa hindi naman tayo o naging tayo para mag-inarte ako ng ganito. Kahit kapag humihiga ako ng tuwid at nakatihaya sa gabi ikaw ang pumapasok sa isip ko. Kung bakit hindi ko alam, marami akong iniisip. Puro ikaw. Lagi na lang ikaw. Ni kinabukasan ko hindi sumasalit sa tuwing iniisip kita. Kaya siguro may insomnia ka at hindi makatulog sa gabi dahil sa kaiisip ko sayo. Para akong tangaloids.

Sa tuwing naiisip kita nalulungkot ako. Wala ka na eh. Aalis ka na. Siguro pagkatapos ng isang buwan o tatlong buwan hindi na ikaw ang mababasa mo sa blog na ito. Mas mamahalin ko na ang bayan kesa sa’yo. Pero hindi mawawala ang isang ikaw sa isip ko. Binago mo kao, para maging manunulat, maging aktibista, maging tao kagaya mo.

Mamimiss kita. Yun lang naman ang nais ihatid ng talang ito. Yun lang. Kaya ko itong pahabain ng sobrang haba pero sa iisang bagay lang magtatapos ang lahat ng ito. Iisang bagay lang ang nais puntuhin nito. Mamimiss kita. Matatagalan ang paglimot ng isang ‘to sa’yo. Matagal. Kasing tagal ng panahong hinangaan kita. Pero babawasan ko ang mga blog post, babawasan ko ang mga pag-iisip, ang pagbasa ng mga nauna mong mensahe para lalong mapabilis ang paglimot.

Alam ko rin kahit pahabain ko ito ng milyang layo o light-year na layo pagtalikod mo sa alaala mong kasama ako ay makakalimutan mo rin ang lahat. Hindi ito pangunguna, ito’y paghahanda sa sarili ko. Pero umaasa akong sana man lang pag nagkita tayo ulit isang beses sa kinabukasan matandaan mo pa si INGAY na to. Sana. Hiling lang yan. Pero kung may lilimutin ka sa nakaraan mo sana wag naman agad ako.

Text Box: And every time I close my eyes I thank the Lord that I found YOU

Text Box: And every time I close my eyes I thank the Lord that I found YOUAnd every time I close my eyes I thank the Lord that I found YOU


Sunday, April 4, 2010

Panayam sa isang UMIIBIG


si AKO

ano gang cnsbi mo?

4:31pm girl pa-next

na alin?

4:32pm si AKO

ung hapiness and energy mo

4:32pm girl pa-next

happines and energy? haha

4:33pmsi AKO

ung hapiness mung sinasabi

bakit ka happy

4:33pm girl pa-next

ah wala nevermind kahit sa bahay tinatanong ako hindi ko din alam haha

4:34pmsi AKO

tae mu ka

hmp

4:35pmgirl pa-next

hahaha masaya. :D:D

4:36pmsi AKO

:-):-)

ako din

ahehehe

4:54pmgirl pa-next

naiiyak ako angge, naalala ko si (ex-BF)

4:54pmsi AKO

haist...alam ko...sya lang naman lagi

lagi...

ayos lang yan... iiyak mo lang yan ng iiyak

4:55pmgirl pa-next

Hindi ko nga talaga kaya, iba kasi sya eh. baka humagulgol ako dito sa harap ng pc. :'(:'(

4:55pmsi AKO

alam ko.... iba kasi sila,... dahil mahal natin

4:56pmgirl pa-next

oo. :'((

4:56pmsi AKO

haist...alam ko ang nararamdaman mo

4:57pmgirl pa-next

ganito ka na din sa May or June. :(:(

4:58pmsi AKO

siguro...pero madali lang...hindi dahil ko siya ganoong kamahal kundi dahil hindi ako marunong magsayang ng buhay ko

gaya ng sabi nya.... KUNG TAYO..TAYO TALAGA

MALAY MO SA SUNOD NA BUHAY TAYO NA



*sa ganito dumaloy ang usapan namin... maikli lang pero puno ng laman...sabi nga nagmamahal tayo dahil nature na ito ng mga tao... kaakibat na rin nito ang sakit at ang matagal na paglimot...


natatagalan tayo sa paglimot dahil nagmahal tayo ng sobra at nasaktan tayo...


sabi ng isang makata..


"TALO AKO AT GAYA NG TUNAY NA ADIK AKO AY BABALIK, ALAM KO KAHIT AYAW MA NG DIBDIB KO MATATAGALAN TO PWEDENG BUKAS O MAKALAWA PARA PUMUSTA, PUMUSTA SA LARONG HINDI KO RIN ALAM KUNG PAANO MAMUHUNAN NG PANALO"


sana paggising ko ayos na si GIRL pa-NEXT!!!

Friday, April 2, 2010

para sa isang kaibigan... hindi ka mawawala dito! sa puso ko


apat na taon sa kolehiyo. apat na taon ng pag-aaral. apat na taong pagpuno sa utak ng sandatang kailangan sa habang buhay na labanan. sa pagtatapos ng apat na taon, hindi ba’t mas masarap alalahanin ang bawat bitaw ng joke na tinawanan, ang pag-abot sa tagay ng katabing halang, ang bawat away na pinagtulungan, ang iyak ng kabarkadang iniwanan? apat na taon ang dumaan, at ngayon panahon na ng singilan…apat na taong itatapon sa kawalan, apat na taong mababalewala, apat na taong pinaghirapan. at isa ka sa apat na daang taong pinagkatiwalaan ng apat na taong buhay ko sa koleheiyan. :’c

*inayos ko lang ang ispeling…pero ito ang eksaktong mensahe niya sa akin… mamimiss ko ang taong ito…kahit pa beso beso lang ang naging dahilan ng klowsness…pero higit pa sa akala niya ang dahilan ng pagkamiss ko sa kanya…


A sad thing in life is that sometimes you meet someone who means a lot to you only to find out in the end that it was never bound to be and you just have to let go.


MAMIMISS KITA GIRL!!!

TEXT ni GIRL robin sa akin…Kagabi_2-Apr-2010 09:45:12 pm


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails