Monday, August 6, 2012

Sa Nagmamay-Ari ng Pusong Bato

From Google

Tumigil sa pag-inog ang mundo at nawala ang tikatik ng relo. Tumigil ang lahat ng tao. Maging si Manong driver na nagtatawag  ng pasahero ay napatigil ng nakanganga. Maging ako ay di makagalaw pero malinaw ang lahat sa akin. Ang tanging gumagalaw lamang ay ikaw—dahan dahang lumilingon sa pinanggagalingan ng malakas na dagundong ng kabadong puso.

Tumutok ang iyong mata na wari’y nagtatanong ng milyong bakit. Nang sanlibong bakit siya at hindi ang iba. Bakit ang siyang di marunong magmahal? Bakit ang siyang hindi marunong makiramdam?

Yari sa bato ang pusong nalilibugan sa gabukan. Walang maasahang pagmamahal sa tuod na inaalayan ng pusong walang tinakbo kundi ang daan patungo sa unang araw ng makita ka’t agad minahal ng lubusan.

Nanghinayang ang kabadong puso sa lakas ng dagundong na narinig ng lahat. Umismir ang nakarinig at napayurak ng malapot na tila gatas sa baku-bakong daan. Napailing ang ilan na napagwaring—walang utak lamang ang iibig sa pusong kasing tigas ng bato ang  nilalaman.

Ngunit ako’y patuloy na nagmamahal sa bato dahil nangarap akong mapapalambot ng pinakamahinay na tikakatik ng ulan ang lahat ng matigas na bato. Tatangis muna ako sa  bawat gabi. Hanggang sa susunod na pagkikita ay masabi ng ibang lalambot din ang pusong bato sa pusong umaasa ng kamunting pagmamahal.

Bato man ang puso at di marunong tumugon sa sanlaksang pagmamahal na mula sa nag-alay, magmamahal rin ang bato at ang nag-alay ay maghihintay kailanman abutin ang pagmamahal na iyon.

Uminog nang muli ang mundo. Patuloy na nagmamahal ng semento at aspaltadong daan ang may pusong bato—patuloy na nagpapasakit sa nagmamay-ari ng kabadong puso.

Ngunit parehas na naghihintay. Ang isa’y kailan titigil lahat ng kahibangang ito at ang isa’y kailan lalambot ang pusong bato at di na muling magiging luhaan.

FOR YOU!

FOREVER and a DAY
CHASHIN :)


7/26/2012
11:22PM
(read with a background of  FOREVER AIN'T ENOUGH J HOLIDAY) :)))
(start reading when first verse starts)

Mahal kita ng ganito kalayo.
Alam mo marami pa akong gustong sabihin sa’yo. Pero ang alam ko, mas maraming pasalamat at marami ring pasensya. Uunahin ko muna ang mga salamat:

Salamat sa pagtitiwala—sa layo ng Palawan at Batangas ay nakuha mong magmahal.
Salamat sa pagpapaalala—na kumain, na maging mabuting tao ako higit sa pagasa ng mga taong maging mabuti ako, na watch out ko ang bibig ko, na mahal mo ako, na iyo lang ako at akin ka lang.
Salamat sa pagmamahal sa kung sino ako. Walang halong pagkukunwari—sabi yan ng instinct ko.
Salamat sa pagunawa sa malaki kong sapak at konti kong katangahan.
Salamat sa pagpapatawa.
Salamat sa pagbibigay ng ngiti lalo kung mag-isa lamang ako o kaya ay nakasakay sa sasakyan.
Salamat sa tiwalang tatagal tayo ng matagal.
Salamat sa pagintindi sa mga tampo ko, mood swings, at mga wala lang.
Salamat dahil pinakita mo sa akin ang saya ng mabuhay kasama ka.
Salamat sa mga load nainaagaw pa natin sa bunganga ng leon.
Salamat sa pagtitiwalang mamahalin kita.
Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataong mahalin ka.
Salamat sa pagsasabi ng mga sekreto mo.
Salamat sa dalawang buwan mo sa buhay ko.
Madami pa akong ipagpapasalamat, alam ko. Madaming madami pa—wala lang lumabas sa utak ko. Utak ko talaga minsan masyadong selfish pagdating sayo. Pati alaala gusto kanya lang. Pero alam mo, higit sa lahat na gusto kong ipagpasalamat ay:

SALAMAT SA PAGMAMAHAL

Pasensya naman J
Pasensya sa pagiging tampuhin ko.
Pasensya sa pagiging unpredictable.
Pasensya sa pagiging unconsiderate.
Sorry sa mga pagsabay ko sa galit/tampo mo.
Sorry sa mas maraming pagkakataong di kita maintindihan (pero di ko sinasabi sayo)
Sorry sa mga pinagseselosan mo.
Sorry kasi minsan makitid ang utak ko.
Sorry sa lahat lahat na—mga naging kasalanan ko at magiging kasalanan ko pa :)))

Pangakong mamahalin kita ng habang buhay. Magkaasawa man ako o magkaJOWA ng iba :D
Alam mo ang totoong dahilan kung bakit ayaw kong magbibreak tayo? Ayaw ko kasing isiping matatapos ang tayo at mawawala yung ganito. :((( Di ko kayang isipin na mawawala ka sa kin. Masakit kaya yun.
Kwentista talaga tong mahal mo. Malandi sa salita pero bargas sa personal. Lagi mong tatandaan na mahal kita, sa kung ano ka. Sa pagitan ng mood swings mo, pagiging tampuhin at selosa. Sa pagiging makulit, masayahin :D… Mamahalin kita hanggang gusto mo, hanggang gusto mong adito ako sa buhay mo.

Mejo madrama ang sulat na to :))) Alam mo naman, madrama tong isang to’. Pero mahal ka kahit ano pang sabihin ng ibang tao.

HAPPY 2nd MONTHSARY babyKO! Salamat, sorry, iloveyou.
Mahal kita ng mas tatagal pa rito. Hinahamon ko ang kapasidad kong magmahal, ang layo at ang sasabihin ng ibang tao.

Mahal kita na hindi kayang ikumpara sa mga naging nakaraan mo. Hindi ako kagaya ng mga yun. MAHAL KITA at di kita sasaktan gaya ng ginawa nila sayo. Lagi kitang mahal. Araw-araw. :DDD

Tinalo ko si Noynoy :))) Kung siya nain-love kay Cory ng 3 beses—ako nain-love ako sayo ng araw araw.

Di ko napansing ang haba haba na pala nito:))))
Baka naILYA ka ng magbasa :D
Basta MAHAL kita ha! 

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails