Wednesday, March 31, 2010

mALaS aKo--KATAPUSAN!

MARSO 31, 2010

malas yata sa akin ang katapusang ito. maraming kamalasan ang nangyari sa akin na ngali-ngali na akong magsisigaw sa sama ng loob. sa katunayan, ako naman talaga ang may kasalanan kaya lang talaga atang ipinanganak akong masama ang ugali. aminado naman ako. kaya lang nakakasakit na ako ng ibang tao.

umagang-umaga, hindi pa nagsisimula ang klase namin, isang kaklase ang sinigawan ko. hindi lang siya basta isang kaklase para sa akin, isa siyang malapit na kaibigan. sumama ang loob niya sa akin at nag-iiyak siya sa sama ng loob sa akin. wala akong nagawa kundi ang panoorin siyang umiyak. ako? nakatingin lang pero paulit-ulit na tumutunog sa utak ko ang salitang PASENSYA...
STRIKE 1

pagkauwi ko, dali-dali akong nag-online at nakisali sa kaguluhan sa loob ng peysbuk. NOMONOTIFICATION ako dahil nagla-log ang internet kapag nakikipag-chat, kasama ng mga kaibigan. nag di sinasadyang pangyayari ay nakapagkomento ako ng di kagandahan. naloko ko kasi ang isang kaibigan sa dati nitong kasintahan. unang nag-react ang lalaki.
STRIKE 2

habang naggigilit ako ng final burador ng aming literari folyo na galing sa printing press ay nakaresib ako ng mensahe. ang babae naman ang nagreact. sinabi nyang hindi na ito applicable kahit "SPLIT" na sila. AWTS
STRIKE 3

out of the game na ako. masama nga talaga ang ugali ko. binuwan. hindi rin ako pwedeng mangatwiran ng "eh ganito talaga ako eh" dahil nakakahiya. manahimik na lang ang tangi kong magagawa.

masama pala sa pakiramdam ang magsumbong sa papel. una masakit sa puso at pangalawa masakit sa kamay. nakakangaly humabol sa sumbong. nakakapagod makinig at mas masarap matulog na lang. alas dose na rin kasi.

*hindi yata ako hiyang sa mga katapusan. sayang blue moon pa naman!

Monday, March 29, 2010

Marlboro. yung Layts!

Naghahanap ako ng bagong pagkakaabalahan. Niluma na ako ng peysbuk at ng prendster. Naghahanap ako ng matinong blog. Blogger ako eh. Kung hindi ka naniniwala malamang parehas tayo. Di ko rin minsan kayang paniwalaan ang gayong titulo. Nakakahiya, nakakapanliit, nakakagago. Wala naman akong matinong sasabihin wala naman kasi akong kwentang tao. Ako yung tipo ng tao matatalisod mo sa kanto, nakikipagsiksikan sa pila ng lotto o nakikihagikhik sa kwentuhan sa kanto. Isa ako sa inyo. Baka. Siguro.

Pero ngayong matino ako marami akong gustong sabihin. Ganito talaga ako, maraming komento pagkatapos magpakalunod sa isang stik ng marlboro. Yung layts para di gaanong makarhat sa lalaugan. Ang gusto kong sabihin?ah oo. Tama. Di nga pala ito tungkol sa sigarilyo. Ang gusto kong sabihin, PILIPINO ako. Yun lang. Pero pagkatapos ko itong sabihin ang utak nyo na ang magdurugtong ng kahit papaano. Magaambag ng kaunti sa laman ng utak kong malabnak. Parang burak sa pasig. Parang ang sikip ng skwaters erya sa lahat ng parte ng mundo ko. Ng pilipinas.

Pero hindi lang dapat ganito ang sasabihin ko. Dapat marami pa. Pero sigurado, di ka makikinig o di ka interesado. Sabagay sino nga naman ako. Nakikipagsiksikan sa mundo at pati sa filipinowriter.com na ito. Kunware rayter ako at kunware matino na rin kagaya nyo.

Sya hanggang dito na muna. Sana sa susunod mong punta may mabasa ka na. Sana. Kung may mauutangan ako ng pambili ng marlboro. Ung layts para di makarhat sa lalaugan kong pagas.

Monday, March 22, 2010

sana di na lang dumating yung isa

ngayon alam ko na kung bakit sya nagsusulat. nagsusulat sya hindi lang para mabasa. nagsusulat sya oo, para maipahayag ang saloobin nya pero higit doon, gusto nyang mapansin mo sya. mapansin mong "masipag pala tong isang to". mapansin ang dahilan kung bakit sya nagpupuyat sa gabi, nagsasayang ng maraming pahina sa kanyang kwaderno at hindi manghinayang sa mga bolpeng pula ang tinta. magpapansin lang sayo.

at ngayon mas pupuyatin nya ang sarili nya. mas masasayang ang pilas ng kwaderno at magpapakagastos sa pulang bolpen dahil nagkaroon na sya ng karibal sayo.

natakot siya...
natakot syang mapaltan. natakot syang baka paggising niya ayaw mo nang basahin ang mga gawa nya at masyado kang mawili dun sa isa. ayaw nya, baka maumay syang magsulat at tuluyang bitiwan ang pangarap na maging manunulat. na-threaten sya at yung bagong dating ay parang death threat sa kanya.

kinabahan sya...
baka ma-OP sya at tuluyang mawala sa linya. kahit pa nga kung anong ikina-bossy bossy mo sa kanya alam nyang magkukulang sya kung wala ka. nakita mong mayroon sa bagong dating na wala sa kanya at harap harapan mong mo iyong isinambulat sa mensahe mo sa kanya.

nasaktan sya...
hindi sa wala syang karapatan. sumasaya ka kasi kapag nadyan yung isa. mas gusto mo ang isinusulat nung isa at natagpuan mong ginagaya ka lang nya. kahit nung una pa man ayaw na nya dun sa isa, dangan nga lang at wala naman itong masamang ginagawa. nagseselos lang siguro siya.

humiling sya...
na sana hindi na lang dumating yung isa. na sana ganito na lang ang takbo ng buhay sa inyong dalawa. na sana sya lang ang kasama mong umuwi sa gabi at sumagot sa iyong mga mensahe. bakit kasi dumating pa yung isa kung kailan aalis ka na. di pa hinayaang makaalis ka muna.

nalungkot sya...
baka sa pagalis mo hindi mo na sya maalala at iyong isa lang ang mapasama. nalungkot na naka isang araw makalawa hindi mo na gusto ang ginagawa niya at natakluban na nung isa.

natawa sya...
wala naman talagang punto ang ipinagkakaganun nya. wala. dahil wala kang gusto sa isa o kaya naman ay sa kanya.

-mami-miss ka lang nya kaya siguro sya sulat ng sulat kahit wala naman pala. sana parati kang dadaan sa blog nya para magbasa. lilipas ang ikaw sa buhay nya pero alam nyang matatagalan pa.

photo by findstuff22

Friday, March 19, 2010

huling paalam


malapit na nga. tapos na rin kung tutuusin. aalis ka na. maiiwan na kami. iiwan mo na ako.

alam ko ang tinatakbo ng isip ko ay "feeling ko naman". oo na, alam kong wala itong epekto sa'yo o kung kanino pero sa sarili ko ang kahulugan nito ay katapusan. katapusan ng isang bagay na hindi nasimulan. katapusan ng isang bagay na kahit kailan naman ay hindi mo napansin kahit kaunti man lang.

masakit magpaalam. una dahil ayaw ko nito. dahil ayaw kong umalis ka. pero anong magagawa ko. pagdating ng tamang panahon aalis ka rin. sabi mo nga "some things are inevitable" . tama ka. pero mahirap pa rin. hindi ko alam kong bakit ko ito isinusulat. nagiinarte? hindi rin siguro dahil wala naman akong pagiinartehan. hindi ikaw at hindi ang kung sino. hindi rina ko umaasang mababago ko ang desisyon mo. basta ang alam ko sinusulat ko ito dahil mamimiss ka ng isang to. ng sobra. ng hindi abot ng isip mong magagawa ko. totoo. hindi ko na uulitin. siguro.

salamat sa namana ko sa iyo na hindi mo ipinamana sa akin o sa kahit na kanino. salamat sa lahat ng naitulong mo para mas maging mabuti akong tao. salamat sa pagpapagal mong matuto kaming maging responsable sa parehong paraang kaya mo.

kahit ayaw kong paulit ulit na sabihin pero MAHALaga ka sa akin. at sa sa pag alis mo alam kong hindi aalis ang kaparte mong iiwan sa amin.

salamat sa lahat. salamat sa pagiging isang manunulat. salamat sa MAKATA na iyong ipinakilala sa lahat lalo sa akin. kagaya ng parating kong sasabihin at lagi kong inuulit... aalis ka pero hindi ang MAKATA KO sa puso't isip ko...


"MOVE ON, BUT DON'T MOVE AWAY!"







Friday, March 5, 2010

isang pagbati mula sa isang kaibigan sa mundo: the vulnerable



isang makabuluhang hapon
ang nais sumalubong,
sa aking isipang tanging laman eh tanong
paano pa ba kaalaman ay yayabong
kung sa aking paligid baluktot ang isinusulong
anong bukas pa ang matatamo
sa pamahalaang tila mapaglaro
pangarap ng bawat isa'y unti-unting naglalaho
namumulat na lamang sa bulok na estado
pagtanggap ma'y labag sa kalooban
ngunit ano pa bang magagawa sa kasalukuyan?
magsuplong sa kinauukula'y walang kasaysayan
pagkat sila pa ang tunay na may dahilan

>magandang hapon pilipinas!

Thursday, March 4, 2010

sa ibabaw ng aspaltadong kalsada at may hawak na iwinawagayway na watawat na pula


kung ang pagiging aktibista ay pagiging kriminal...hayagan kong sinasabing KRIMINAL ako...

sa bawat pagpalahaw ng tahimik, sa bawat pagtaas ng kamay na ngawit, sa bawat pagtagaktak ng igang pawis sa putikang mukha at bisig--iisang layunin ang inihahabi ng isip: ang pagbabago patungong pagunlad, ang pagiwan sa bulok na sistemang hindi naggaganyak magbihis ng bagong bihis. ang sistemang naaagnas na sa pagkapanis. pagkapanis ng pangarap ng mga pilipinong napagod na ring mangarap. kung sa bawat pagpaltak ng hinaing ay ang pagbubukas unti unti ng pinto para sa bukas, halina kaibigan samahan mo akong managis ng tahimik. samahan mo akong ipakita sa harap ng kanilang mukha ang dapat sana'y kanilang ginawa... madami pang laban... hanggang bukas hanggang sa sunod na mga pagtahak. nagyon ito muna. hanggang sa susunod mong pagbabasa. isang araw makalawa!

Mapapag-iwanan ako kung wala akong masasabi tungkol sa nakita ko at naranasan: Karanasan kasama ng mga taong bagong kita!


kung ang bawat alaala'y permanente...magmumukha akong alaala...alaala lamang, bukod duon wala na.
hayaan mong isa-isahin ko ang mga nakasama ko sa lugar ng kamalayan pero hindi sa lansangan. sa dagat na hindi malinis pero pwedeng paliguan, kung saan pink ang bangka at hello kitty ang life vest.
heto na sila:

ang tribo> lumang mga nilalang galing sa baul ng puso ko. hindi sila mawawala, hindi mapapalitan. hindi kailanman

ang mga burgis> si sponge, apok, uneng ang taga lasalle at taga BSU... burgis, kasama kasi nila ay burgis at mga ilang sa mga makamasang kagaya ng mga kasama ko. hindi palaimik, hindi palatawa hindi kahit ano. burgis lang sila

ang mga taga SEC
khien> feeling ko close na kami nito, sana naman hindi feeling lang. mabait, lets tal about experience

aiko> ang batang nagtransform. magandang bata at masipag, maingay at masarap kasama. wala atang pag-ibig sa katawan pero mapagmahal naman

sarah> ang terorista. ipopost ko ito dahil alam kong hindi naman niya mababasa. mabait din di ko pa nga lang gamay ang ugali

mark>matagal ko nang kaibigan ang babaitang ito. masipag at responsable. wag lang ididikit kay elmo! ayos naman siya.

fejer>ang barney ng tropang kabataan. mabait wag na lang mapipikon. game naman. ang mukahang magaanak sa binyag nung unang araw. ninong!

ang mga taga-CS
aljin> ang obami ng tropa nung solidarity night. wag nyo nang hayaang idescribe ko. think of a girl obama, that's her

neri>melissa, nanay dionisia, anyone siya na... ang resident clown. kahit siguro ganito siya kasaya me lungkot pa ring kasama. sabi nga sa bawat sayang nakabakat sa mukha ay hindi maitatatwa ang lungkot na nararamdaman

bheng>si sarah nabati...maganda...ms.popular nung summit...andaming fans!

melodie> ang chinitang makamasa...2nd chance ata ang isinama nito eh

lucky jun>ang humihingi ng 2nd chance...mabait at mabait...yun lang. ay! cute din pala

tano>ahehehe mukhang hindi umiimik pero mabait naman pala! makata din to chong! kamukha siya ng nasnip ko

carlo>ang piolo namin! hindi naman niya kamukha si piolo...medyo lang...

habang buhay kong babalikan at isasama ang alaalang kasama sila! wag na nating isama ang ibang mahalaga...kagaya ni roge, juna, gani, derek, taga lemery, taga bridget, si ka antoy at ang iba...baka hindi ko matapos ang aking tala...sa ngayon ito muna...sana hindi lang ito alaala...sana maulit pa!

SA PAGITAN NG PAGLULUNOY SA NAAGNAS NG KAHAPON



gusto kong magsulat. pero wala akong maisip na magandang simula. ni magandang tugma na kakapulutan ko ng tatatak na wakas. mahirap pala. parati kang hahabol sa wala. parati kang magtatagni ng malapit ng mawala. minsan kung pipilitin ko ang utak kong maghabi kahit ng isang taludtod hindi naman makisama ang kamay kong nabubugnot. mahirap parating magbibigay ng mababasa sa magbabasa mong hindi mo mawari kung sino talaga. ang tanging hiling ng pagaw na boses ng katahimikan at kawalan sa utak kong walang ibunton:nawa'y bumalik ang nauubos nang alaala. alaalang nagpapamanhid sa kaluluwang walang kinabilangan. kaluluwang walang kilala. kilalang hindi ko kilala. parating uulit ang sulat na ito. mangungulit at ikaw na nagbabasa ngayon ay mababagot at hindi na muling babalik ni hindi na magpipilit umasa.
sana sa susunod mong punta may matino ka nang mabasa.


>ngayo'y kailangan ko ng legadera...dahil ako'y IGA!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails