Tuesday, January 1, 2013

Mahal na mahal kita pero pasensya





hindi ko alam kung tama to...
hindi ko rin nga alam kung kaya ko... basta ang alam ko kailangan ko nang gawin to. hinihingi na ng pagkakataon, sinasabi na din ng lahat ng kaibigan. lahat na ng mapagtanugan.

minahal kita alam mo yan!
mahal kita at alam kong ramdam mo yan!
mamahalin kita kung hindi lang sa ganitong pangangailangan :(

wala na din siguro ang spark sabi nga ng kasisimula pa lang na pagiibigan
wala akong iba... di ko kayang magmahal ng iba...hindi kita gustong iwan pero alam mong kailangan. kailangan na :(


hindi kita kayang pangatawanan sa pamilya ko
mas maayos na rin sigurong ganito ang kahihinatnan...
kung bukas pa ang una mong alok na bestfriend pa rin tayo pagkatapos ng walaan, mas masaya akong ganun... hindi kita makakalimutan, hindi! kailanman.

pero kailangan ko na itong dalhin sa katapusan, di na pwede sa aming bahay... alam mo naman diba ang kalakaran.

alam mo kaya kong punuin ng sad face emoticon ang talang ito kung maalis nito ang sakit na mararamdaman mo. alam mo habang sinusulat ko to tumutulo sipon ko... kilala mo ko iyakin ako ee...

ginawa ko to hindi para saktan ka :( hindi ko gustong gawin yun. alam ko lahat ng pinagdaanan at pinagdadaanan mo...ayaw ko nang dumagdag pa dun. pero alam kong pagpinatagal ko pa to mas lalo lang tayong masasaktan at magkakasakitan.

wag mo ding iisiping hindi ako nasasaktan. sobrang sakit nito sa akin. wag mo rin namang iisipin na sana di ko na lang ginawa...

mahal, alam kong alam mong dito rin naman ang kahahantungan natin, pinaaga ko lang--ayaw ko na kasing lalo kang masaktan.

mahal kita. 

mali pala...

mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita :*

pero pasensya :(((

1 comment:

  1. Admin, if not okay please remove!

    Our facebook group “selfless” is spending this month spreading awareness on prostate cancer & research with a custom t-shirt design. Purchase proceeds will go to cancer.org, as listed on the shirt and shirt design.

    www.teespring.com/prostate-cancer-research

    Thanks

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails