Friday, January 29, 2010

SIPNAYAN

(kumpisal ng isang English major)

Ano bang mayroon sa subject na ‘to na naririnig ko pa lang ay nangangatal na ako at naghihikab sa kaba?

Simula nang tumuntong ako sa Grade 3 ay nagsimula na rin ang pagka-ayaw ko dito, kung hindi man ako inaantok malamang makikita mo akong nakahalumbaba, nakatingin sa labas ng bintana at hinahayaan ang isip kong magbyahe papunta kay Mickey Mouse sa Disneyland. Hindi naman ako bobo, hindi naman ako tamad mag-aral, wala din naman akong gusto o ayaw. Basta lang pagdating sa subject na ‘to nagmumukha akong bobo, tamad, at maarte. Tinanong ko rin ang nanay ko kung bakit hindi n’ya ako na-motivate na gustuhin ang subject na ‘to, ang sagot n’ya sa akin “Oo”. Ang layo ng sagot n’ya, malamang ayaw din n’ya.

Natatandaan ko pa nang minsang ipahiya ako ng guro ko dahil hindi ko nasagutan ang problem n’ya sa blackboard, pati nung muntik na akong ma-drop at hindi na maka-graduate dahil hindi ako ipinasa ng guro ko. Masamang alaala ang dulot sa akin ng subject na ‘to. Minsan nga pag gusto kong makatulog at hindi ako sinipot ni antok sa date namin, naghahawak lang ako ng reference book ng subject na ‘to, tiyak tulog ako. Ang subject din na ito ang isang magandang dahilan para lagnatin, sumakit ang ulo at sumakit ang lahat ng pwedeng sumakit sa akin.

Na-trauma rin yata ako nung nakita ko kung paanong inginudngod ng guro ko ang kaklase ko. Hindi yata kasali sa utak n’ya ang salitang sipnayan. Grabe ang ginawa ng guro ko. Ibang klaseng motibasyon yata ang tawag dun. At isang strategy para mas umunti ang tinuturuan n’ya at tumaas ang bahagdan ng mga estudyanteng nagda-drop sa klase namin. Simula ng makita ko ang ginawa ni Madam sa kaklase ko, nagsimula na akong maging relihiyosong tao. Lahat ng santo at santa na kilala ko at lahat ng pwedeng tumulong sa akin wag lang matawag para sa recitation at magsagot ng board problems n’yang pang-genius ay tinatawag ko at dinadasalan. Pero minsan nagkulang ata ako ng isang dasal o nagkamali ako ng alay dahil bigla akong tinawag at hindi ako nakasagot. Ayos! Napahiya na ako, nasabon pang walang banlawan.

Nang magbukalat ako ng isang luma at kakalahati ng kopya ko ng English-Tagalog Dictionary nakita kong ang tagalong pala sa Mathematics ay Sipnayan. Ikaw ayaw mo din bang math?

4 comments:

  1. hey ito ang tatlo kong URL
    http://sinoto.blogspot.com
    http://karonigerger.blogspot.com
    http://gergeroftecrypt.blogspot.com
    pakivisit na lang tnx

    ReplyDelete
  2. Marahil ayaw ko nga ng math..kahit ano ang gawin ko di ko talaga ma gets ung iba..haha!

    ReplyDelete
  3. Mister LLama

    marahil may pagkakatulad tayo, ngunit sa aking palagay mas may alam ka sa akin...ako ayaw ko talaga... pero kung simpleng add at minus... bakit hindi!
    salamat sa pagbisita...

    ReplyDelete
  4. Ganun daw ata un pagmahilig ka sa English ,d ka mgaling sa Math..kea khit anong plit ko aralin ang math na yan d ko pa din mgets..it means mgaling ako sa English...?(kunwari lng haha)

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails