Pikit na mata sa dilat na diwa, ganyan ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko siya.
Sa tuwing nagkikita kami, isang tipid na ngiti lamang ang pinakakawalan niya ngunit sapat na ito para makibaka ako sa salimuot ng maghapon. Siya ang rason kung bakit gusto ko pang magising sa umaga at ang bawat pagtakbo ko upang umabot sa bukas. Ipinanalangin kong masasalubong ko siya upang pamuli’t-muli pa’y bigyan ako ng inspirayon.
Sa bawat bigwas ng aking lapis sa gusot na papel, siya ang nasa isip ko.
Ngunit ano ito, kabaliktaran ng nais ko ang nangyayari. Wala akong kayang patunayan sa kanya. Sa pagtatagpo namin buntong-hininga lamang ang ipinararating nya sabay sabi sa katagang “tingnan mo ang tatamad nila”.
Ang katagang iyon ang humatak sa akin pabalik sa ngayon, nais kong patunayan sa kanya na ang “tamad” na katulad ko ay may mararating. Marami akong gustong iparating sa kanya mula sa kaibuturan ng aking puso. Pero sa ngayon ito muna-sa gusot na papel, sa isang bungkos na buntong-hininga at sa gabing tila hindi na uumaga. Inspirasyon kita sa bawat tagumpay ng aking buhay.
No comments:
Post a Comment